Jackie Rice, nagdalawang-isip na tanggapin ang Sisid

Aminado ang sexy Kapuso actress na si Jackie Rice na kamuntik na niyang hindi tanggapin ang lead role ng bagong afternoon soap na Sisid. Alamin kung ano ang dahilan.

Sa ulat panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Jackie na hindi siya marunong at lalong hindi marunong sumisid kaya nag-alangan siyang tanggapan ang proyekto.

Ngunit dahil sa mahal niya ang kanyang trabaho, nag-aaral ang aktres na lumangoy at sumisid. At nang matuto, sinabi ni Jackie na labis siyang nag-e-enjoy ngayon.

Labis ang pasasalamat nito sa suporta na nakukuha sa kanyang mga katrabaho, lalo na sa kanyang leading men na si Dominoc Roco at JC Tiuseco.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ni Jackie na lumalabas sila paminsan-pansin para nakapag-bonding.

Tiniyak din ng aktres na ibang Jackie Rice ang makikita nila sa Sisid, na pamamahalaan ng premyadong actor-director na si Ricky Davao.

“Kasi gusto kong maging iba siya. Nakilala na rin ako sa Ilumina bilang kontrabida, gusto ko ibang iba siya dito ngayon (sa Sisid)," ayon kay Jackie.

Sa kabila ng kasiyahan sa magandang takbo ng career, nagpahayag naman ng kalungkutan si Jackie sa kanyang kapwa StarStruck alumnus na si Iwa Moto.

Nakarating na raw sa kanya ang balita tungkol sa pagsubok na kinakaharap ni Iwa na may kaugnayan sa dati nitong nobyo na si Mikey Ablan.

Umaasa si Jackie na maaayos din ni Iwa ang kinakaharap nitong problema.

Source: http://www.gmanews.tv/story/221900/entertainment/jackie-rice-nagdalawang-isip-na-tanggapin-ang-sisid

0 comments:

Post a Comment

Total Pageviews